Huwebes, Hunyo 27, 2013

TOP 10 ULTIMATE FILIPINO EXPRESSIONS


(10) 
PEG MO SI *ANO*
Eto yung mahihilig magsabi nito pag may nakitang kamukha o kahawig. O minsan naman kahit hindi i pu push parin ni ate yang phrase na yan! Go ate push lang! XD


(09) 
BET KO YAN / BET KO TO
Eto naman yung mga adik sa lahat~ pano ba naman lahat gusto. Mag punta lang ng mall " Ay bet ko yan te! " kahit wala namang pambili! Yung totoo?


(08) 
KWENTO MO SA PAGONG
Ay eto yung madalas mong makita sa comment minsan nga pang trashtalk pa to e. Yung pag nonsense ang topic or kwento nya.


(07) 
PUSH MO YAN!
Pang sagot to' sa mga matataas ang self confidence. " ANG GANDA KO SHET! " tapos biglang may sasagot, " PUSH MO YAN TE! "


(06)
LAST MO NA YAN
Pambasag naman 'to sa mga SUPER MEGA MEGA SUPER STAR na korning jokes. Aminin mo nagawa mo na to? Diba? XD


(05)
YUNG TOTOO?
Eto yung mga gusto mag clarify ng pabiro , Pero mas benta pa 'to sa mismong joke kung maganda yung timing at deliver ng phrase.


(04)
WEH? DI NGA?
Eto naman yung masarap manapak, yung tipong nagtatanong tapos di naniwala. Yung totoo ate? KATOL PA! XD


(03) 
CHAROT/ CHAROWZ/ CHARAUGHT/ JOKE LANG
Naging normal practice na 'to pag nag jo joke ka ng hard sa kausap mo. Kasi natatakot ka na ma hard yang pez mo! :)


(02)
GORA / GORABELS
Ito ay ginagamit pag' aalis na ang mga kutong lupa. " GORA NA TAYO ".  Ginagamit din 'to ng mga trying hard na kutong lupa.




(01)
SHABU PA! XD
Ito ang nakakalokang expression. Makikita mo to sa may contents na picture na chaka, famewhore videos, or weird thingies! :))))))))))